Thursday, April 28, 2005
graduation package::OH O!
nakuha ko na grad pics ko from JEB photography and all i can say is "waw". not because of amazement and joy but simply like "nyek". wahaha...and it comes with 2-disc vcd coverage of the commencement exercises. waw ulet...hehe. at first, i was objecting the purchase of this package 'cause i see it to be cheap. well, hindi pala. it was fun watching xientians walk down the isle during the procession and during the diploma distribution. Good thing the politics part was edited. Nyahaha! How I hate politica..lalo na kung nangnungumpanya sa mga graduations.
Kasama ko nga pala si baba magdamag. Nagliwaliw kami sa SM, labas-pasok sa mga boutiques just checking out what’s new and what’s hot sa shoes, sports wear and tops. After 2hours of window shopping we went to UST to claim my p.e. uniform. We were like tourists sa paglalakad naming..ang saya kasi e dahil sa mga buildings doon kaya kami naaliw. We were acting like tourists pretending to be taking pictures with our imaginary cameras and feeling the old rocks that stand as buildings. We entered the university church and felt the holiness and solemnity of the place. Waw! I like this church. We went to the gymnasium for the p.e. uniform, but as we were passing by the gym court, we were hearing a sort of ball war. Inside the court was what seemed to be a volleyball varsity practice. Waw!! Amazing… the guys leap real high and spike the ball real hard. The scene was just amazing. We were discerning which ones were the senior members and which were the newbie’s. what made the scene more amazing was the sound each spiker made and how the bounces off to different direction at a great force. After almost an hour of in awe, headed back to SM, went to school and went home.
We went to baba’s place and check out the vcd. It was past six that time so I phoned home. OH O! … Tsktsk…lagot! I received a ‘threat’..”mag-uusap tayo pagkauwi mo.”-mom. Waaah…oh o! (later ko kwento to, eto ung pinaka-focus ng entry na ito.) . habang andun ako kina baba we were enjoying the grad film.meron pa ngang funny moments dun… nung natalisod ung mom ni baba at tawa siya ng tawa. Nakinood pa nga ung mom at dad ni baba at ilang beses pa naming inulit. It was not that embarrassing dahil natalisod lang naman. buti nga hindi subsob e. after nun, dumating na ung aming hinihintay na dvd’s, at syempre ung may bitbit nun. Haha! He brought three dvd’s, one was tekken and the other two was samuraiX films. Hindi ko pa kabisado ung mga kenshin flicks basta ung isa ung “memory” ekek. Tinapos muna naming tekken. I find it funny. Ahehe..i was laughing in during certain scenes though it was not supposed to be funny. Ang coverage lang nung tekken film was tekken1-2. it was already pass eight and baba was already spoiling the kenshin flicks for me. We left around 8:30pm,and I reached home 7-10mins later.
(*playing suspense background music)
pagkarating ko, tulog mom ko at hindi ko alam kung panu gisingin na hindi biglang mababanggit ung aking lateness. Nakatatlong ikot muna ako sa pag-aalinlangang gisingin siya. I woke her up with a kiss on the cheeks. Tapos umupo ako sa tabi niya, waiting for her to start the sermon. …maya-maya…
- bakit daw ako umuwi sa ibang bahay bago sa amin? And this is already the 2nd-3rd time.
- Bakit daw tumawag lang ako nung andun na ko? demo…the reason why I phoned home ay para di siya mag-alala na wala pa ko sa bahay ng 6pm. Dati kasi pinagalitan ako dahil dun muna ako umuwi. Tapos another time, pinagalitan ako dahil naman daw di man lang ako nagsasabing gagabihin ako. Pero this time, halo na. dapat daw, I should ask permission before reaching baba’s place, or I should have gone straight home.
- Di daw dapat nagpapaalam kapag andun na sa ipagpapaalam. Tsktsk.. inaamin ko kasalanan ko.
Kala ko ganun lang ung issue… pero meron pa pala, and it has something to do with the grad pics and vcd. Nung nandun pa ko kina baba at kausap mom ko sa phone, pumasok sa isip ko bakit mas mas nauna pang panoorin ditto kina baba ung vcd kesa sa bahay. Pero I just ignored the thought. But I shouldn’t have… kasi isa nga yun sa pinagtatampo ng mom ko. Waaah… drama mode siya. Kinuha ko ung mga grad pics at inalok sa kanya, but she pushed it aside (buti nga hindi binato e) sabay sabi “mas nauna pa silang makakita nyan..wag na”. waaah! Drama mode nga siya. I just stayed there sitting at the edge of the bed watching CSI.(e kasi my two brothers were there watching tv,so all the time na sinesermunan ako e sa harap nila.hehe..). bumangon siya sa kama at nagbihis. Habang palakad lakad siya sa room napansin ko nang she’s doing “it” already.
That “it” is no other than… “THE” cold shoulder.
Waaah!!! Nako…isang linggong mang-iisnab yan. E kasi dati naman pag sinesermunan nya ko at aminado ako sa kasalanan ko, isang upuan lang tapos na. e this time, cold shoulder approach ginamit…grrr… that means hindi na muna ako makakapagpaalam ng kahit ano. Waaah!! Golden birthday pa man din ng mom ko sa may9 na! waaah!!! That’s days from now! Nako..sana lang di umabot un hanggang birthday nya. Siguro kaya drama mode yan masyado dahil magbbirthday na? hmm…pwede rin. Hehe! Papampam! … pero hindi. Hindi ganun e. kung ganun pwede ko pa masuyo agad. E kaso…senti-sentihan kasi. Mana talaga ako sa nanay ko masyado…tsktsk.
Ang isa pang reason kung bakit niya ko sinermunan…
...Dahil sa kasama ko na naman ung dalawa.
-_-
4/28/2005 07:24:00 AM
till the next Luna...