well...tuloy pa rin ang kahibangan ko sa mga anime. pinagpupuyatan ko ang mga ito. aba! abuso! e kasi naman e, 11-12 ba naman ng gabi... pero meron namang replays 12-1 ng tanghali the next day. nyek! ang tiyaga e. tsaka masaya un, twice ko napapanood. hehe.
sabado ngayon kaya di ako mapupuyat kasi weekdays lang ang anime na pinapanood ko. kagabi, nagalit na ang aking ina sa aming dalawang bunso. actually sa bunso lang pala. pano ba naman, araw-araw at gabi-gabi na siyang nagbababad, at nagpapakalunod, sa pc. tsktsk...e kagabi sumosobra na siya. tila binabaliwala na lang niya mga bilin ng nanay ko kaya ayun, pinagalitan siya kahit 1a.m. na. siguro pinalo pa siya? hmm..joke! ahehe.
waaah... kwento ko lang..
kagabi kakauwi lang ng kuya ko (ung panganay) mula sa pampanga. tapos nagtanong siya kung meron ba kong load. sabi ko wala kahit na meron pang pisong natititra. maya-maya, lumapit siya ulit tapos inabutan ako ng pera. ibili ko raw siya load! kapal! pero nilibre rin naman nya ko ng 3opesos na load e kaya ok lang. dala ko phone niya sa tindahan. puno na ung inbox niya e kailangan magbura para malaman ko kung na-load-an na. pagbukas ko ng inbox... ABA! iisang tao lang ang lumilitaw sa inbox...isang name lang...at mahigit 30messages un. galing sa isang tao lang?!?..hmmm...simtomas ito..ahem. so binasa ko isa-isa...ABA!(mas malakas na 'aba')...ano ito!? puro mga..."i miss you"...waaaah!!! tapos meron pang kadiri...parang ganito nakasulat:
miss na miss na kita. alam mo ba, may sinat ako ngayon dahil di mo ko pinatulog kagabi sa kakamiss sa yo? i really miss u my usher! ingat ka always..
nyok? medyo mahalay naman... huhuhu...sino ba tong taong to? ang name niya ay di ko matanto kung babae o lalaki. basta, di usual name for a girl or a boy. malamang babae un dba? (sana..). tapos lahat ng messages niya "missing" ...nyak! puro.."miss na kita"...yaaak! tawag pa niya sa kuya ko usher. well, not surprisng kasi look-a-like nga naman ng kuya ko si usher simula nang magpa-semikal siya noong high school siya. pero sino naman tong "missing"-girl? siya kaya ang alicia keys ng kuya ko?..hmmm....intruiging...
sobrang intruiging kasi sabi noon ng kuya ko, magpapakilala lang siya ng girl sa bahay kung un na ung girl forever. so it means...matagal pa bago pa niya ipakilala ung "alicia keys" na un... hmmm...
waaah! mas malala..kagabi umalis nga si usher. may pinuntahan party yata, at malamang andun si alicia.(nabasa ko sa inbox kasi). tapos kanina lang, habang nag-pc ako, may dumaang babae sa sala. waaah!!! ibig sabihin may pinatulog siyang babae dito?...waw. yaaaack! at halatang hindi alam ng parents ko at hindi nya ipinapaalam. aba...lihim ito. nakokonsensya ako... dapat bang malaman ng aking mga magulang o hayaan ko na lang siyang dumis-carte. hmm...? bahala na...kung di ko matiis, edi isabog. nyahahahah!!! joke! bahala siya. basta walang malaking gulong mangyayari ok lang. (pano napadpad ung babaeng un dito?) grrr...
haaay...
less crowded na ang bahay. un ang feel ko. ung pangalawa kong kuya nagtatrabaho sa call center at ang working hours niya e 12mn hangang 2pm. pagkauwi naman niya, tulog rin siya. so di ko feel presence niya masyado. ung pangatlo kong bro nasa pampanga naman. nagpaiwan dun. pumunta sila ng eldest dun nung friday morning kasi merong binyagan. tatayong proxy lang naman siya dun para sa working kuya ko. at ngayon andun pa rin siya.
baka umuwi kami mamayang gabi sa province. fiesta yata. haaay...
...hahaha!! sama ko ba? kinuwento ko kababalaghan ng kapatid ko at di buhay ko?...e kasi naman...di ko kayang ilahad kwento ko...hehe...(complicated ba?..di naman..hehe). nyahaha!!!
hehe...para lang may maikwento...
-_-